Friday, October 16, 2015

Mental Arithmetic (Simple Tricks)

Magsimula tayo sa mga pinakamadaling tandaan.

1. Multiplying by 1


Kapag nagmultiply ng kahit anong number sa 1, wala tayong kailangang gawin kundi kopyahin lang ang number bilang sagot.
Ito ang tinatawag sa Algebra na multiplicative identity. 
Halimbawa:

  • 385 x 1 = 385

  • 1 x 5896 = 5896

Note: Posibleng pagbaliktarin ang mga factors dahil sa commutative property ng whole numbers sa multiplication, ngunit pang-ingatan sa division kahit na ito ay itinuturing na kabaliktaran ng multiplication. 
Kapag nagdivide ng kahit anong number sa 1 ay maaring kopyahin na lang ang number bilang sagot. 
Subalit kung ididivide ang 1 sa kahit anong number ay magiging fraction o decimal na ito.

2. Multiplying by 10


Kapag magmumultiply tayo ng kahit anong number sa 10 ay kailangan lamang nating kopyahin ang number at lagyan ng 0 sa dulo, o kung decimals naman ay kailangan lamang iurong ang decimal point pakanan.  Sinusunod din nito ang multiplicative identity. 
Halimbawa:

  • 145 x 10 = 1,450

  • 10 x 83 = 830

  • 4.5 x 10 = 45


3. Multiplying by 11


Kapag nagmumultiply ng kahit anong number sa 11, kopyahin lamang ang bilang tulad ng ginagawa pag nagmumultiply by 10 at iadd ang bilang. 
Halimbawa:

  • 22 x 11 = (22 + 220) = 242

  • 11 x 358 = (358 + 3580) = 3938

May isa pang paraan.  Maari ring kopyahin ang una at huling digits ng number at maglagay ng spaces sa pagitan nito depende kung ilang digits ang number. 
Halimbawa: 11 x 358 = 3__8
Pagkatapos ay iadd ang digits ng number sa gitna. 
Halimbawa:
11 x 358
= 3 (5+3) (8+5) 8
= 3 (8) 13) 8
= 3938

4. Multiplying by 5


Kapag magmumultiply naman by 5 ay maaring imultiply muna ang number sa 10.  Pagkatapos ay idivide ito sa 2 since ang 5 ay kalahati ng 10. 
Halimbawa:
5 x 32
= 32 x 10 / 2
= 320 x 2
= 160
5 x 32 = 160

5. Multiplying by 9


Imultiply lamang ang number sa 10 at bawasan ng naturang bilang. 
Halimbawa:
9 x 34 =
10 x 34 - 34 = 340 - 34
= 306

6. Squaring a number ending with 5


Kapag magsquare ng number na nagtatapos sa 5 ay imultiply lamang ang number sa kaliwa ng 5 sa susunod na number at isulat lamang ang 25 bilang last two digits. 
Halimbawa:

  • 152 = (1 x 2) at isulat ang 25
    152 = 225

  • 852 = (8 x 9) 
    852 = 7225

  • 1152 = (11 x 12)
    1152 = 13225


7. Multiplying by 6


Minsan mas madali kung imumultiply muna sa 2 ang number bago imultiply sa 3 ang magiging product. 
Halimbawa:
48 x 6 =
48 x 2 = 96
96 x 3 = 288

8. Multiplying by 4


maaring doblehen na lamang ang number at imultiply ulit sa 2 kapag nagmumultiply by 4. 
Halimbawa:
26 x 4 =
26 x 2 = 52
52 x 2 = 104
26 x 4 = 104


No comments:

Post a Comment