Saturday, October 10, 2015

Mental Arithmetic (Visualization)

Noong nasa elementarya pa lang ako ay natutunan ko na maari palang magcompute gamit lamang ang isip sa pamamagitan ng pagvisualize o pag-imagine sa mga numero na kailangang kwentahin.  Sabi ng teacher ko, posible raw na simpleng nakatitig lang sa board o sa papel habang kinocompute sa isip ang mga numero. 

Ngunit mas naging madali sa'kin na gawin iyon noong matutunan ko ang paggamit sa abacus.  (na isheshare ko sa mga susunod na araw).  Iniimagine ko lamang na nagkukwenta ako gamit ang abacus.  (Mas madali kasi sa'kin na ivisualize ang mga beads at rods sa abacus since hindi ako nakakakita).  Sa simula, paisa-isa lamang ang kaya kong icompute sa isip subalit nakuha rin sa practise at matinding concentration ang pag-add o pag-subtract ng hanggang 3 digits at pag-multiply ng 3 by 2 digits. 

Halimbawa:
Kung may ipapa-print akong handouts na 8 pages at tig-1.50 ang bawat page, magkano kaya ang kailangan kong ibayad sa computer shop?  
Dito na ako magsisimulang magkwenta habang nakapila ang USB ko. 
Una, iniimagine ko ang 1.50 bilang 15 (alisin muna ang decimal para mas madali). 
Sunod ay imumultiply ang 15 sa 8. 
15 x 8 = ?? (Tandaan, sa isip mo ito ikukwenta)
Kapag kinokompute ito sa papel ay kadalasang right to left ang direction kung pagtatapatin ang mga digits ng 15 at 8, subalit gagawin ko itong by line.  Kaya
 15 x 8
5 x 8 = 40
1 x 8 = 8
80 + 40 = 120

= 12 (binalik ang decimal point)

So Php 12 ang babayaran ko.

Sa susunod, mga shortcut techniques and tricks na maaaring gamitin upang makapagcompute ng walang ginagamait na anumang bagay.  (mainam ito pag wala kayong calculator o cell phone na dala). 

No comments:

Post a Comment