Monday, January 25, 2016

Gaano kalayo ang isang kilometro?

Minsan naitanong sa'min sa seminar kung kaya raw ba naming i-estimate ang haba ng isang bagay nang hindi gumagamit ng anumang panukat. Napaisip rin tuloy kami dahil ako personally ay wala ring idea kung gaano kahaba ang 1 centimeter halimbawa kung sasalatin lamang.

Sa post na ito ay isheshare ko ang isa sa mga activities na ginawa namin sa seminar na may kinalaman sa pagsukat. Sa activity na yun, nirequire kami na magdala ng meter stick at mga taling straw.

Inatasan kami ng facilitator na pumutol ng taling straw na may sukat na 1 meter. Gamit ang kaalaman namin sa conversion, hinayaan kaming bumuo ng 1 dekameter, at 1 hectometer na haba ng straw sa pamamagitan ng pagdudugtong-dugtong ng mga tali na may habang 1 meter. Pagkabuo namin ng 1 hectometer na tali ay inilabas namin yun ng school building at inilatag sa semento. Pagkatapos ay pinalakad kami ng facilitator sa gilid ng tali at sinabihang orasan ang tagal ng pagbaybay namin sa kahabaan ng tali.

Subalit hindi lahat ng estudyante ay sumunod sa instructions ng facilitator namin. Dahil doon ay nagalit ito at inutusan silang baybayin nang sampung ulit ang kahabaan ng taling straw na nakalatag sa sahig.

Habang naglalakad sila ay tinanong kami ng facilitator kung gaano katagal naming binaybay ang 1 hectometer na haba ng tali. May nagsabing 3 minutes at mayroon ding 2 minutes lang.

Kung icocompute, 1 kilometer = 10 hectometers. Kaya kung sampung ulit na babaybayin ng mga kaklase ko yung taling straw ay katumbas na rin yun ng paglalakad ng may layong isang kilometro. At kung nilakad namin ng may 2-3 minuto ang 1 hectometer ay aabutin ng 20-30 minutes bago sila makatapos ng isang kilometro. Inorasan din namin ang kanilang paglalakad habang ang iba'y pinanonood sila. Nakakaawa na rin yung mga kaklase ko na mukhang pagod na sa kakapabalik-balik ng lakad. Noong una'y hindi ko naintindihan ang aming facilitator, ngunit noong ipinaliwanag niya ang activity ay saka ko lamang naintindihan ang ibig niyang sabihin.

Ang pinagawa pala sa mga kaklase kong pasaway ay hindi lang ordinaryong parusa kundi isang paraan ng pagtuturo ng conversion. Sa experience na iyon ay nalaman namin na maari rin palang gumamait ng ibang bagay upang ipakita o iparamdam sa estudyante ang iba't ibang sukat ng haba o length. Dito rin namin natutunan na dapat ay maging makatotohanan ang mga word problems na ibibigay sa mga estudyante para makita nila ang relevance ng math sa pang-araw-araw na buhay.

No comments:

Post a Comment