Monday, June 27, 2016

Divisibility Rules - Part 1

Ang divisibility rule ay ang mabilisang paraan ng paghahanap ng common divisor o factor ng isang number nang hindi dumaraan sa mahabang proseso ng pag-divide. Kadalasan ay malalaman mo na sa isang tingin pa lang kung saan divisible ang isang bilang gamit ang mga rules na ito.

Narito ang mga rules at examples:

Divisible by 2


Ang bilang ay masasabing divisible by 2 o nahahati sa dalawa kung ang huling digit ay even numbers o mga bilang na nagtatapos sa 0, 2, 4, 6, at 8.

Halimbawa: 398
Una, tingnan muna ang last digit. Dahil ang bilang na ito ay nagtatapos sa 8 na isang even number, ito ay masasabing divisible by 2.

Divisible by 5



Ang isang bilang ay masasabing divisible by 5 kung ito ay nagtatapos sa 5 o 0.

Halimbawa: 35, 160

Divisible by 10


Kapag ang isang bilang ay nagtatapos sa 0, ito ay divisible by 10.

Halimbawa: 70, 480

Divisible by 3


Para naman makita kung ang isang bilang ay maaaring hatiin sa tatlo o divisible by 3 ay kailangang i-add ang lahat ng digits na bumubuo sa bilang at tingnan kung ang total nito ay multiples ng 3 tulad ng 3, 6, 9, ...

Halimbawa:

  • 1,588
    1 + 5 + 8 + 8 = 22
    Ang 22 ay hindi multiple ng 3 kaya hindi divisible by 3 ang 1,588.

  • 17,436
    1 + 7 + 4 + 3 + 6 = 21
    Ang 21 ay multiple of 3 kaya masasabing divisible by 3 ang bilang na ito.

Divisible by 6


Kapag ang isang bilang naman ay divisible by 2 at 3, ito ay masasabing divisible by 6 din.

Halimbawa: 426
Step 1: Test if divisible by 2.
Ito ay nagtatapos sa 6 na isang even number kaya ito ay divisible by 2.
Step 2: Test if divisible by 3.
4 + 2 + 6 = 12
Ang total ng digits ay isang multiple ng 3 kaya ito ay divisible din by 3.
Subukan nating idivide sa 6 ang bilang para masiguro nating tama ang rule.
426 / 6 = 71
Divisible by 6 nga ang bilang na ito kaya tama ang rule.

Divisible by 9


Ang isang bilang ay masasabing divisible by 9 kung multiple of 9 din ang magiging resulta kapag pinagsamasama o inadd ang mga digits nito.

Halimbawa:

  • 135
    1 + 3 + 5 = 9
    Ang bilang na ito ay divisible by 9.

  • 782
    7 + 8 + 2 = 17
    Ang 17 ay hindi multiple ng 9 kaya hindi divisible by 9 ang bilang na ito.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment